Tuesday, 13 September 2011

TECHNOLOGY STORY

Sa wakas at makakapagblog na muli ang lola mo! matagal din akong di nakapagblog dahil una nalimutan ko ang password ko at oo sarili kong password hindi ko mahulaan dala ng katangahan o sadyang malilimutin lang ako.Anyway minsan inggitera ako sa mga taong magaling sa technology.Alam ko ang pinagugatan ng pagiging mahina ko dito.Hindi ako mahihiyang sabihin na natutunan kong  gumamit ng computer college nako.Ewwww alam ko.Wala kasi kaming pambili ng computer mas lalong walang budget para sa internet.Mabalik tayo sa aking college life.May dapat kaming iresearch ng kakalse ko nahihiya akong sabihin sa kanya na di ako marunong magcomputer ultimo magcopy paste. Nakahinga ako ng maluwag kasi hinde naman nya ako pinagtawanan kundi ihuhulog ko sa sa hagdan joke. It was very liberating sa isip isip ko nung una akong nakakita ng advertisment sa google "cool parang tv pala toh".

Mula nuon mga 10 beses kong dapat itrain sarili kong magcopy paste at magprint.Kaya hanggang ngayon may sapak pa din ako madali akong maiirita pag hinde ko nanavigate ng maayos ang computer. Kaya din siguro hinde ako addict sa internet.Hindi ko ikakamatay kung hinde ako makapagfb pero mananakal ako pag hinde ako nakapagalmusal.Syempre sabi nga nila kung gusto mo ipromote ang skills mo dapat maginternet ka magblog ka, youtube, twitter at kung anu anu pa.So mahilig kasi ako magshare ng kung anik anik sa buhay kahit wala ka namang pakelam likas sa akin ang mag magepal.Nakailang blog na ata ang crineate ko na lahat nalimutan  ang password o lagi kong nalilimutang magupdate.So ang solusyon eh simplehan ko nalang mga 3 site na iaaupdate para hinde ko maipressure ang sarili ko. Siguro kahit moderno akong magisip yung ibang approach ko sa mga bagay bagay ay tradisyunal pa din tulad ng KOBO e-reader para kang may dalang library pero wala yung bigat ng libro.Pero saken gusto yung feel ng hawak ko yung libro masarap amuyin yung scent ng bago at lumang libro.Kung kaibigan kita at itatanung mo yung bag ko.Oo malaki pa din yung bag ko dala ko yung ugaling yun hanggang dito sa Canada. Sabi nga sa lahat ng bagay mas mainam na yung simple.Para relax lang.Huwag ipilit yung hinde kaya isa isa lang.At yan natutunan ko ngayon dahil sa kahinanaan ko sa teknolohiya pinilit ko makisabay sa takbo ng bagay bagay sa mundo tulad nito kaya ayun nastress ang lola mo pero ok nako ngayon. Ok tanging ina mode muna ako.

Wednesday, 25 May 2011

Mukhang Imposible pero Posible!

Bata pa ako madalas akong managinip ng mga kung ano-ano.Naiisip ko dapat mga napapanaginipan ko laruan o pagkain o Disneyland na dream kong puntahan nung bata pako na sa T.V ko lang nakikita.Pero iba ang mga panaginip ko parang telenovela na serye sa buhay ko ang napapanaginipan ko pero yung edad ko sa panahinip ko mejo matanda nako yung edad ko ngyon tapos napanaginipan ko yun mga 6 na taon palang ako. Hindi ako si Madam Auring at wala akong balak palitan sya pero yung tinatawag na DEJAVU eh parang tambay lang sa kanto nakadikit sa mga dreams ko. Napanaginipan ko yung naghiwalay mga magulang ko,mga taong nakilala ko kahit hinde ko pa sila nameet eh kilala ko na sila sa isang serye ng panaginip ko.Nakakatawa pero napanaginipan ko nuon si Oprah Winfrey na nagmeet kmi.Hindi ko sya kilala o yung status nya.Bata pako nung napanaginipan ko yun.Malala ko lang na "uy alam ko tong moment na toh ah" then malal ko nakita ko ito sa panaginip ko.Yun lang wala ako sa posisyon para maiwasan ang kung anung mang mangyayare saken.

Gustong gusto ko pumunta ng Baguio kasi malamig duon at malinis ang simoy ng hangin.Feel kong magala Anne of Green Gables at mamitas ng mga strawberries habang kumakanta kanta. Wala akong matandaang outing naming pamilya kasi kailngan magtrabho araw araw ng Daddy ko kundi papalya kmi sa pagkain.So luxury ang mamasyal kaya sabi ko sa sarili ko. KAPAG NAKARATING AKO NG BAGUIO MAKAKARATING AKO KAHIT SAAN. And boom! nakarating ako ng Baguio ng libre! and nakarating ulet ako dun for the second time.After nga nuon nakrating nako sa ibat ibang lugar.Hanggang sa ibang lupa.Thailand, Cambodia at Canada. Ayoko mamatay ng mahirap at walang nararating sa buhay.At mejo may balak din akong baguhin ang mundong ginagalawan ko chos! pero alam ko lahat ng ito ay galing kay Lord kay Jesus Christ. Totoo yung mga panagko nya.Simula palang ng nasa tyan ako ng nanay ko alam nya na kung anung dapat mangayra sa buhay ko.At may maganda din syang plano sa buhay mo.Oo alam ko yung sasabihin mo masyado kang makasalanan.Lahat tyo mahal nya kahit yung tsismosang kapitbahy nyo na gusto mo ng ilibing ng buhay pero ititira mong hinde nakabaon yung dila nya. Sya yung dahila ko kung bakit ako nabubuhay at nananiniwala ako na sya nagmamando sa buhay ko. May isang kilalang reporter ang nagpray para saken at sabi nya pupunta ako sa maraming lugar.Dont get me wrong iba si Madam Auring at iba yung prophetic words.Kapag ang pangyayare ay ayon sa bible then lahat yun totoo.Kaya ikaw kung nangangarap ka mangarap ng mataas then give it to the Lord.Walang impossible.




                                                     

Monday, 9 May 2011

Museyk and Food Memories!( Makirelate at makiemote)

Papunta kami sa isang business trip ng aking esposo sa hinde naman kalayuang restawran ng biglang pinatugtug sa sasakyan ang kantang "Collide" at syempre naginarte at bigla kong nalala kung san ko inrerelate ang sarili ko sa kantang yun.Wag kang usi at hinde ko na ieelaborate pa kung anu yun hehe.Anyway tayong mga Pinoy mahilig sa music dahil na sa aking palagay ay sumasalamin ito sa ating karakter, sitwasyon, nawawamdaman at kung anu anu pa. Wala na ata akong alam na sitwasyon sa nuhay na hinde nabanngit sa isang kanta.Kapag naghuntahan ang magkakaibigan babae at narinig ang teamsong ng isa sa knila na kabebreak lang ayun magwawala ngangalngal hihimatayin bubula ang bibig habang sinasabing "ibahin nyo ang museykkkk" or kapag may crush ka at may lihim kang kanata na dinededicate sa kanya at nataon narining mo iyon kung san ka man naroon eh mamimilipit sa kilig tapos sa isip mo nagkatuluyan na kayo parang pelikula yung backgground museyk eh yung kanta mo sa kanya.


                          

Ako dalwang bagay ang nagpapaalala saken ng aking mga nakaraan...Yes arte! Museyk at pagkain.Oo kung magsalita ako parang ang juba-juba ko.Mahilig kasi akong kumain at para akong pusa ang magpapalala saken sa isang tao ay kung nagluto sya ng masarap na pagkain,pagnakakita ko ng for example chocolate cake sya yung maiisip ko.Pagpinagluto mo ako ng masarap hinde kita makakalimutan! Nung isang beses nagpirito ako ng talong at may sawsawang suka. Habang kinakain ko yun.Iniisip ko yung Daddy ko na namayapa na.Ganun yung gusto nyang kainin sa umaga.So ninamnam ko yung simpleng almusal at nalala ko lahat yung nakatira pako sa bahay namen kasama Daddy at mga kapatid ko.Yung Sunday mornings namen.Nakakamiss.


             
Mahilig ako sa musika.Natuto akong bumasa sa kabibijoke ng Daddy ko habang nagiinuman sila ng mga kaibigan nya.Syempre may bayad ang serbisyo ko so binibigyan nila akong 10 piso kada 2 kanta! Bigtime!
usually mga lumang kanta nung 90's at panahon ni Frank Sinatra yung nalala ko dahilsa Daddy ko. Ikaw anung nalala mo sa partikular na kanta na pinapatugtog sa inyo? Uyyyyy aminin.Tara bijoke tayo!libre mo!

Tuesday, 19 April 2011

The Happiness Meter

If you will ask an individual what would make them happy a big part will be money, status and Physical appearance.Since we can have all of these often time we dont have them all it cause us to hate who we are and then it leads to misery that leads to so many negative path.Money cant buy you happiness... well part true part false... But what are the things that could make us happy?aside from money of course.Here are the following:

1) Shut up!- give a moment of silence.Do you realize when you talk to much it could be a hazard for yourself?how?I will tell how. You tend to say things that you dont even meant especially if your too emotional.When you are ask to give an opinion about somebody that for example your officemate hates a co- worker you dont have to say something negative to make that person feel good.Sometimes you need to slow down nobody likes a can that when it moves gives an irritating sound.

2) Appreciate! even just small things like eating an ice cream playing with your dog,baking cookie or reading books. Sometimes its sad that there are people who would only appreciate what they have when they are ill or dying.(when you in the grave already theres not much to appreciate there.You wouldn't even like the worms eating your flesh six feet under) 

3) Experience- If you've been thinking to do something for quite sometime now do it(well unless you feel like you wanna kill you neighbor who doesn't know what quiet means please think twice) I learned that people think that money could make us happy when in fact its experience is what could make us happy something priceless a memory that you can relive over and over again telling your kids or grandkids about it.With money you could buy a car or ipad or jewelry but the satisfaction doesn't last long I know somehow you could relate to this feeling because I do.) You want something soooo bad but when you got it you will be happy but before you know it.You wouldn't even notice its missing because you already satisfy the urge of owning.

4) Contentment! When you know how to be contented most likely your happy.Why?I will tell you why. Because the Want is endless.Sometimes we tend to believe that our Want is Our Need. As long as you have food, clothing and shelter your fine. Those stuff that you desire is just an added bonus to your life. If your not contented with what you have your prone to envy and when envy is strong you might do not so nice things to get what you want.Its applicable in almost anything even in a lover. 



                                                


                                            
                 
Happiness is a state of mind no matter what kind of situation your in.Some people have lots but not happy some people barely have any but still happy.So its your choice.


                        


                                
         



Tuesday, 5 April 2011

SOSYALERA NETWORK

Ikaw ba ay sosyal?lahat halos ng bagay na meron ka ay dapat branded?karumaldumal ang kumain sa fastfood at ew ew magshopeng sa Divisisoria(Paraiso ng pambabarat at  siksikang pamimili ) or  ikaw yung isang kalse ng sosyalera? tipong ikamamatay  mo ang hinde paglologin sa facebook, itweet ang pagkukutkot mo ng iyong ingrown at  ibroadcast ang kaliit-liitang detalye ng iyong araw na parang iyon na ang huli.Ikaw ba ay sobrang attach sa iyong phone na mas trip mo itong katabi sa pagtulog kesa sa kapatid mong nananadyak habang nanaginip minsan sa sobrang pagmamahal mo sa phone mo eh naiimagine mo itong nagriring to the tune of "My Way" kahit hinde naman tlga nagriring? Aba eh magpagamot ka na

As an individual we tend to have the desire to have a social connection on which ever form of interaction is existing *Nosebleed* syempre technology is fresh serve before you at kahit na mahiyain ka pa sa makahiya eh makakaututang dila mo ang iyong crush on the cyber space.Salamat sa FB at makakachismisan mo clasmate mo nung unang panahon ng iyong kabataan panahon na hindi mo pa alam ang kahulugan ng jodorant , makisilip sa FB page ng kinaiingitan, kinabwibwisitan, hinahangaan mong tao.Nanjan din ang pagbloblog ng lahat ng sama ng loob mo sa mundo.At anu nha ba ang nais mong maachieve sa buhay sa paggawa ng eksena o pagpapahayag ng iyong damdamin? hehe seryoso natanong mo na ba sa iyongsarili?


Well kanya kanya talaga tyo ng dahilan kung bkit( aware man o hinde) na nais nating makisimpatya ang mga FB friends mo sa iyong kasalukuyang sitwasyon. May mga taong nangongolekta ng FB prends na parang piso kilala man o hinde.Kung sampung libo ang prends mo sa FB sikat ka? kahit na na mabibilang mo lang sa daliri mo sa paang may kalyo ang mga kaibigan mo sa tunay na buhay.


                                    

Walang masama sa FB inpak madaming positibo sa pagkakaroon nito malaya kang ipahayag ang sarili wag lang sobra like super duper personal na bagay dahil sa kada post mo ng pictures bijo at status ay nagiiba ang pananaw sa iyo ng tao.simple lang ang rules pag ayaw mabastos wag magpost ng provocative na larawan.Hwag gawing diary ng buhay mo ang facebook tama na ang  isang Kris Aquino.At lastly wag makipagaway sa FB kasi mejo cheap tingnan lalot ikay may pinagaralan kung hinde ka ngaral eh umasa sa kagandahang asal na turo ni inay at itay.Kung wala silang itnuro sayo hinde ko na problema yun.hehe Oh san na you dito na me chat na tyo sa FB :)

Monday, 28 March 2011

Kanajan Life Da Kanajan way!( What's life like in Canada)

Canada is located in North America where its closer to the north pole that's why its much colder than U.S.A.At ako'y nagmagandang magbigay ng facts hehe.Anyway I used the word Kanajan because that's how my Dad pronounce it ( I  miss you Dad watch over us from heaven) and it reminds me of him. Kung anung init ng Pinas ay sya namang lamig ng Canada.Mailalarawan ko ito sa klima ng inyoing refrigirator.Kapag winter ang klima ay freezer.Naalala ko noon gustong gusto kong magwinter sa Pinas dahil bwisit na bwisit ako sa init ng araw.Fresh na fresh kang aalis ng bahay papuntang opisina at pagdating mo sa iyong desk amoy tinapa ka na. Pero narealize ko na hinde ko alam kung anung winiwish ko.Dahil pagpinagbigyan ako ni Lord at nagwinter sa Pinas baka kalahati ng populasyon naten ay matitigbak.Natapos na din ang matagal kong pagmumuni muni bakit trip na trip ng mga puti magpaaraw at magbakasyon sa mainit na bansa.Pinakauna kong culture shock eh halos lahat ng bagay dito ay biggie as in! lalo na ang pagkain kahit prutas at gulay ay malalaki din.

                              

 Until now nagaadjust pa din ako sa buhay dito.Hindi ka makarampage kung san saan kung hinde ka marunong magdrive.Ang tanging pampasaherong sasakyan lang dito ay bus.Take note may time limit ang bus dito at hinde ka iintayin ng bus pagmalas malas ka pa at naiwan ka ng bus eh magaantay ka ulit ng 15 minutes eh panu  kung winter eh good luck sayo. Ang nakakaloka satin sa Pinas pagumulan o signal number one typhoon yung karamihan wala ng pasok sa Metro Manila.Dito Kahit  wala ka halos makita dahil sa kapal ng snow keribels lang.Kayod pa din! Kung napakahospitabble nating mga Pinoy which I am very proud of super galang naman ng mga Candian ikaw na yung nakatapak sa paa nya sya pa magsosorry. Halos sa lahat ng bagay nagsosorry sila.Kapag  nagkasalubong kayo habang tulak ang pushcart sa supermarket magalang silang magsosorry kaloka diba.Ang mga tao ay disiplinado nagliligpit ng pinagkainan sa foodcourt or sa fastfood restaurant at ang da bestw ay to strike a conversation with them magcomplain ka about sa weather. Malinis ang paligid at walang kang makikitang pakalat kalat na pusa o aso na anytime eh masasagasaan sa daan.Wala ding squaters area.Naisip ko nga ang lawak ng Canada at kung ililipat ang kalahati ng populasyon ng Pinas eh kasya ng lahat sobra pa.Merong child care benefit na may matatanggap kang moola from the government  at libre ang healthcare wala kang babayran sa ospital pero bawing bawi sa dental mataas ang cost of living dito pinakamahal ang magkaroon ng bahay at 2 ang tax nila gst at pst.Government tax at Provincial Tax. Pero all in all maganda ang buhay dito.Karamihan ng nasa bansang ito ay pangarap ko para sa Pinas.And I still hope na mangyayare iyon.


    


Friday, 18 March 2011

SANA AKO NALANG SI ______(MGA KWENTONG PURO SANA)

Impokrita /Impokrito ang sino mang magsasabi na kung bibigyan sila ng chance na makipagpalit ng katauhan o sitwasyon sa ibang tao ay sasabihin nila na kuntento at perfect ang knilang estado sa buhay at wala silang gustong palitan..For sure meron kang kakilala na lihim mong hinahangaan o kinabwibwisitan dahil nasa kanya ang ilang mga nais mo sa buhay.Tulad ng pagiging mayaman, matangkad ,maganda ,seksi , pagiging babae,lalake,pagiging popular at kung anu pang anik anik sa buhay na wala sayo na meron sa iba. Minsan sa iyong pagmumuni muni eh nasasabi mo sa iyong sarili na bakit ba hinde nalang ako naging sya?o bakita wala ako ng bagay na wala sya habang ipaiikot ikot mo sa iyong daliri ang iyong buho na parang si Sisa.

                                          

Sa katitingin naten sa bagay na meron sa iba eh we feel so low low low na parang wala ng kagandahan o magandang katangiang nasa iyo ang aprati mo nalng napapansin eh yung mga flaws mo katulad ng ng pimples mong first year highschool ka palang eh nandun na till now na nakapagasawa ka na eh nakatambay pa din sa ilong mo.Tulad mo nararanasan ko din yan madalas akong magbugtong hininga habang nangangrap ng aking mga panagrap sa buhay, bukod sa maging donya eh nais kong maging THE ULTIMATE ARTIST. So anu yun?nais kong maging makeup artist at maging ULTIMATE PERFORMER.Saka ko naieexplain kung anu yun. May mga tao akong hinahangaan dahil sa kanilang guts and focus na habulin ang kanilang mga pangarap.Minsan gusto ko ding maging sila.Pero naisip ko I need to make myself important to me and find what is the best that I could give in this world..chos! Pero but seriously I believe God made us who we are in exact situation in the exact destiny we are in to fulfill our mission in this world. Kaya hayaan mo na kahit nasa kanya ang gusto mo malamang nasa iba din ang gusto nya kanya kanyang pagtanggap lang yan sa kakulangan mo bilang tao.

Monday, 14 March 2011

MUDRA KNOWS BEST( WELCOME TO THE KAKALERKEI WORLD OF MOMMIES)

Never kong nagets ang nanay ko.Hindi kmi close pagtapos madalas kming magaway nung nasa "teenage rebellion phase" pa ako. Hindi lang pagmumukha ko ang expressive pati na rin ang aking outfit.Mahilig ako sa piercings pero hindi ako nagattempt malgay sa aking pes dahil kukutusan ako ng Daddy ko. Lagi kming nagkaclash ng Mama ko much I hate to admit it parehas daw kming tigre kaya walang sumusuko sa diskussyon.
Nalala ko naiinis ako sa tuwing tatawagan ako ng parents ko kung nasan nako dahil late na.Tapos ang daming bawal at lagi akong naliligo sa sermon ng walang banlawan.Minsan naman nagdadrama sila na porket malaki ka na hinde ka na nakikinig saken wala na kming halaga sayo yung mga malatelenovelang linya ang ikinatitigas ng litid ko sa kakornihan.Naguusap usap kmi ng mga barkada ko kapag may bertdeyan kung ganu kaweird mga parents namen.Nalalala ko madalas linya ng Mama ko" malalaman mo ang nararamdaman ko kapag may sarili ka ng anak" or "bayad ka ng ng pagkakautang mo saken sa pagpapalaki ko sayo kapag nagkaroon ka na ng sarili mong anak" madalas hinde ko pinapansin sinasabi nya.

Fastforward with the present eto at may sarili nakong supling na pagkacute cute.Unti-unti nakong nakakarelate sa pagiging paranoid at drama ng mga nanay.Mas naapreciate ko na ngayon yungs sacrifice na ginagawa ng mga Nanay kasi digta ng panahon na kailanagn ko manahimik sa bahay at magtime out muna sa pansarili kong kapakanan at kagustuhan sa aking nais na karera as in career ha hinde maghenete ng kabayo.
Kaya pala ata mga Nanay na umuwi na mga Tatay kasi minsan nakakaburyong sa bahay nabilang mo na lahat ng sulok at agiw sa bahay bord ka pa din gusto mo ng may makakusap or makahaliihinan mo man lng sa pagbabantay ng baby para makaligo at makajebs.Ngayon mejo napapatawad ko na ng kotni yung mga nanay na hinde makagetover sa thought na hinde bata ang mga anak nila pero sa kanilang mga mata ikaw pa din yung cute na batang malambing na kailangan pa rin ang pagaalaga ni Mama.Hindi lang sitwasyon ng isang ina ang nababago pati ang kanyang katawan.Nung bagong panagank ako una kong ineperksyon yung spider web sa tyan ko kung madami pa sila" stretch marks" once na nagsilang ka ng isang sanggol your changed forever inevery aspect of your life.Badtrip may spider web ako goodbye two piece! I felt ugly and bad tapos nung nagbasa akong chicken soup for the new mom's soul may nabasa ako dun na "Be proud your stretchmarks are a badge of battle scars that your able to give life that you bear so much for the sake of you child you scars are reminder of you accomplishment to be chosen to be a mother. Wow it felt good. So mga mudra put your hands in the air :) be proud!

Wednesday, 9 March 2011

ANG TIPO KONG LALAKE( ANG WEIRD KONG TYPE SA AKING IDEAL GUY

Hindi ko alam kung ako lang sa mundo ang makakarelate sa topic na ito ng blog ko.Bago ako magasawa syempre tulad mo isa  din akong single na nangangarap habang naglalaway na matagpuan si Mr.Right.Syempre mejo shonga shonga pako sa pagpili ng magiging boyfriend.Tulad mo minsan naging miserable din ako sa mga desisyon ko nuon dahil sa ilang kababawan ng preference ko sa lalaki. Nakahiligan ko magbasa ng pocket book nung nasa kolehiyo ako pero nagsimula iyon nung nasa high school ako nalala ko yung titser ko nagtuturo eh nakakabagot sya at ata na ata akong basahin yung naantala kong pagbabasa ng tagalog pocketbook.So pasimple akong nagbasa habagng nagtuturo sya namalay nalang ako nasa harap ko na pala sya sabay sabi"O anu ng nangyare sa bida?ikwento mo saken pagnatapos mo na ha" hehe medjo makapal na balat ko kaya tango lang ako at itinigil ko yung pagbabasa.Sa pocketbook eh natutunana ko magbuo ng ideya kung anung type ng guy ang gusto ko mejo huli na ng nalaman ko na nalimutan kong kathang isip lang iyon ng manunulat.walang hiyang writer yan na carried away ako.

Pero ito yong mejo kakaiba saken kahit may cute na guy akong naispotan sa campus biglang lalalbas sa isisp ko ang listahan ng type ko sa isang guy kung ang list ko ay applicable sa boylet na ito. The following is my weird list :

1. DAPAT MAGANDA SA AKING PANINGIN ANG SIKO NYA: Una kong tinitingnan syempre yung pes and then gagala ang aking mapanuring mata sa kanyang siko.Ayoko ng mukhang maruming siko.Kung maputi ang boylet dapt pantay ang kulay nito sa kanyang siko.Kung kayumanggi dapt ganun din panayat ang kula nito sa kulay ng kanyang braso.Alam ko ang iniisip mo kaloka bakit pati siko pinapakelaman ko ito ang sagot ko.Hindi ko din alam.Ayoko ng sikong parang mukha na ewan ko kung warts ba yun o acne.

2. ANG BATOK AY DAPAT MAGANDA SA AKING PANINGIN: kahit gaano ka pa kagwapo kung hinde ko feel ang batok ng boylet eh sorry nalang friends nalang tyo.Ang tipo kong batok ay panatay sa thre rest ng balat nya sa mukha.Ayoko ng mukhang mabaho kapag pinagpawisan at mas lalaong ayaw kong tad tad ng tigyawat(ALAM KONG HINDE AKO DYOSA NG KAGANDAHAN SISIHIN MO ANG MEJO LUTANG KONG ISIP)

3.DAPAT CUTE KANG NGUMUYA: Hinde ko fully maiiexplain itong number 3 nalala ko nung pers time kong nakipagdate nung highschool cute si guy as in! pero nung nagsimula na kming kumain na-off ako sa pagnguya nya pero seryoso kung nadun ka babatukan mo ako at sasabihing ok naman sya ngumuya.Sobrang nakahiligan ko magmasid na ultimo paggalaw ng panga at tenga nya dahil sa pagnguya eh iniinsperksyun ko.So all in all ayoko sya ngumuya.Kaya hinde na naulit yung date namin.


Kung hinde mo ako kilala malamang sasabihin mong tatanda akong dalaga at malamang wala akon g mahanap na swak na lalaking meron nitong baliw kong listahan.Nang magmagture ako naks! eh syempre yung ugali at prinsipyo yung pinatuunan ko ng pansin plus sypempre hinde nagbago kasama pa din itong 3 list of important physical qualification for a boyfriend ko. :) happy to tell you na yung napangasawa ko swak lahat physical qualifications at ang dami pang perks and bonuses anu anu yun?saken nalng iyon teh :P so hwag kang magalal kahit gaanu ka pa ka weird ok lang yan basta teh tao pa rin yung hanap mo ha :) balitaan mo ako sa lablayp mo :)

Monday, 7 March 2011

Mapera ,Walang Pera Pareho lang!

Wala ata akong kilala na hinde naghangad na yumaman pagnagtatanong ako bakit?syempre number 1 na sagot eh para mabili ko lahat ng gusto ko pangalawa eh para makatulong tapos panagtlo yung para mabili ko si Jericho Rosales (sabay kagat labi) Impokrita ako kung sasabihin kong hinde ko pinangarap yumaman simple lang ang gusto ko(echos!) anu ba nag depinisyon ng simple dahil kadalasan ang simple sayo ay magarbo na para sa iba.
Minsan naglalakbay diwa ako kapag bumibyahe naiisp ko pagtumama ako sa lotto(at hinde naman ako tumataya)  naiisip ko dapat low profile pa din ako paradi  pagbalakang patayin, nakawan o utangan ng mangungutang na nawawalang parang bula pagnkuha ang gusto nila.Then tutulong ako anonymously sa dati ko pa balak tulungan. Mahalga lang saken eh mabili namin ang nais naming bilhin yun yung sa pamilya ko.

May kilala akong pamilya na yung nanay nila mahilig mangutang hinde nya kelangan sana gawin yun dahil maganda trabaho ng asawa nya pero dahil mahilig syang bumili o kumuha ng pahulugan tapos titigilan opagbabayad eh binabatak din yung mga gamit.Mayaman na sana sila kaso galit sa pera yung ilaw ng tahanan na napupundi na.Ilang beses din kong pinagsabihan yung anak nya pero tigre yung nanay ayaw makinig sa mga anak may peltok pa sila pagnakialam sa nanay nilang hustler na estapadora na.

Ang pera ay parang espadang doble talim gamitn sa tama at alam mong ihandle gagawin nitong masagana ang buhay mo Pero ang pera ay nauubos  din countless of stories na milyonaryo tapos ngayon magtataho nalang.
or kung lahat nangnakapaligid sayo eh ganid sa pera at ikaw ay isang uto uto  uubusin nila sagad hangang  piso nlang matira sayo.Ugat din ng away patayan trayduran ang pera kaya nitong guluhin at sirain ang buhay mo at kahit bilyonaryo ka hinde mo kayang tumbasan ang halaga ng kapayapaan ng loob at pagtulog ng mahimbing sa gabi.

Go to fullsize image

Friday, 4 March 2011

Alamin kung isa ka bang Epal ( basahin bago humusga)

May isang pelikula akong pinanood nuon na ang isang karakter ay nagtanung kung anu ba ang kahulugan ng "epal" ito ay hango sa salitang "mapapel" o isang attitude ng pagbibida.Kadalsan sa mga taong may taglay nito ay matalino, madaldal o mahilig kumuha ng atensyon.at mahilig makisali sa naguusap. ( ok lang yan iassess ang sarili ng walang bias kung ikay jackpot sa isa sa mga nabanggit.) Nung buntis ako at napirmi sa bahay nakaugalian kong manood ng Glee.Parati akong nahahigh blood sa inis kay Rachel Berry bida ng nasabing palabas dahil ayaw ng nauungusan sya ng kahit sino nais niyang laging nakukuha ang lead part ng kanta, asar na asar ako pero hinde ko itinigil ang panonood somehow deep inside parang nakakakuha din ako ng pleasure sa pangaasar sa sarili ko.Kadalasan ang pagiging epal ay lihim na kinabwibwisitan at pinaguusapan ng mga magkakaibigan,magkakaklase o magkaopisina kapag nagkaumpukan at nagsimulang maghuntahan. So panu mo malalaman kung isa kang epal? narito ang ilang kategorya mula sa aking experience.


1.( LAGI KANG MAY PAMBARA O OPINYON SA LAHAT  NG SASABIHIN NG IYONG KAGRUPO,  KAIBIGAN O KATRABAHO ETC.)
eto yung mga taong masasabi nating matalino o sadyang malakas ang personalidad na talaga namang opinionated laging may kontra kahit sa isang magandang ideya ng kasama kadalasan ay ipipilit ang kanyang opinion.Maaring para sa knila ay nakakapgbigay ito ng self-worth na hinde makapalag ang kausap dahil pinaulanan ka nya ng facts at sa tono ng pananalita nya ay tipong sigurado sya sa kanyang sinasabi.Minsan akala mo ay magaling ka at nakuha mo ang pansin ng mga taong nakapaligid sayo ngunit maaring hinde paghanga ang nararamdaman nila sayo kundi matiniding asar sa pagiging epal mo sa lahat ng bagay at hinde pagrespeto sa opinyon ng iba o maaring pagkapahiya ng binara mo.Kaya magingat at maging sensitibo kung nakakaapak ka na pala ng amor ng ibang tao.

2)( MAHILIG KANG MAKISABAT SA USAPANG NG DALAWANG TAO O ISANG GRUPO NA HINDI KA NAMAN KASALI O INVITED)

Ito yung mga taong hinde mo alam kung sang lupalop nanggaling at bigla nalang nakisabad sa usapan.Maaring inaakala ng taong ito na makakatulong sya sa pagtatanungan o kuro-kuro ng naguusap ngunit kadalasang eh pinagmumukha mo silang hangal dahil hinde nila kayang sagutin ang kanilang mga tanong kaya heto ka at sinusplayan mo sila ng sagot  pero hinde ka naman nila tinatanong.Sa iyong sarili masay ka at nakatulong pero sa iniwan mong naguusap isa kang epal kasi hindi naman nila hinihingi ang opnyon mo na hinde naman nila hinihingi in the pers plays.Kung hinde ka makataiis na makisabat eh humingihi ka muna ng pahintulot sa naguusap at pagpianbinyan ka ayun ratratin mo sila ng facts atleast karesperespeto ka dahil nirespeto mo ang kanilang paguusap.


3) ( EPAL AS IN DA OBERACHIBER)

Yes ito nga ang ingles ng epal overachiever mga taong sobrang focus sa knailang goal na makilala eh parang kabayong natapaktapakan na ang ibang tao.Sila ang mag taong may matinding mantra sa kanilang pangarap na maabot ito like Rachel ng Glee.Rachel na nga ang tawag ko taong nageepal.Kung nanood ka ng Glee alam mo ang ibig kong sabihin.Dapat lagi kang bida at pag feeling mo may ibang nagnanais ng panagrap mo,gagawin mo ang lahat apra ikaw ang magwagi at wala kang pakialam sa iisipin o nararamdaman ng iba to the point na isabotahe mo ang pobre at ikaw na laging handa ang magsesave ng day.Kung ikaw ang taong to unang una kapatid it is true that "its lonely at the top" granted na sa kakaepal mo eh nakuha mo ang pinakamimithi mong goal pero pag tingin mo sa iyong paligid ay walang nakikiparty sayo walang natutuwa at walang bumabati.Ating isipin na hinde lang tayo ang pinakamahalagang tao sa mundo at meronng mga tao na nais din ang pangarap mo hinde lang ikaw ang deserving o matalino at lalong HINDI LANG IKAW ANG MAY ISIP AT BOSES. Kaya be sensitive kasi hinde mo alam kung puro patalim na ang likod sadami mong saksak dahil sa iyong pagmamaganda.


Walang masama sa pagnanais na maging lider o makilala ngunit dpat ay nasa tama.Paanong tama? respeto pare ang kasagutan.Matuto ka ring manahimik hinde lahat ng madaldal matalino at hinde lahat ng tahimik ay bobo kadalasan sila yung malalim dahil nagiisip.  Gamitin ang kaeplan sa tamang pamamaraan dahil belib it or not nakakatulong din ang pagiging epal PAANO? ito ay sa panahon ng kagipitan at walang may lakas ng loob na tumayo at guamwa ng paraan duon gamitin ang kaepalan.Para saken magbebelly dancing muna ako habang natutulog ang chikiting ko :)

Thursday, 3 March 2011

Gustong Magmaganda pero walang Anda!

Apat na buwan na mula ng duamting ako dito sa Canada. Sa unang pagtapak ko sa luagr na ito ramdam ko kagad ang mala aircon na simoy ng hangin. Mula nuon nagaadjust nako sa panibagong buhay ko pero yung mentalidad ko hinde nagbago Pinoy pa din ako mula anit hangang kuko. Sa paanong paraan? halos lahat ng bagay dito ultimo pagkain ay big size.Nalala ko yung rice in a box dito 3x ang size ng rice in a box sa Pilipinas pero 3x din ang presyo kasi dolyar ang ibabayad mo.Nung una sa tuwing  may bibilin ako kinakalkula ko sa peso lahat eh allergic ako sa mahal na bilihin kahit nuon pa dahil lumaki akong hinde kayaman.Mga gamit ko hinde branded at pabortio ko ang bayong kong bag na kahit ikaw pede kong isalaksak duon ng buo. Kapag may nagustuhan akong  damit o bagay pagiipunan ko yun at pag may pera nako excited akong pupnta sa store para lang madisappoint dahil triple pala ang halaga nuon kesa sa inaakala kong presyo so ang gagawin ko bibili ako ng di ko naman plinanong bilhin para lang hugasan ang nasugatan kong pangarap.Ilang bese ding nangayre saken yun.Mula sa parlor ,gadget o damit ganun ang ginagawa ko pero kadalasan hinde din ako ganun kasaya parang repleksyon yun na hinde mo makuha ang isang bagay so baba ka one notch lower. Nagflash back lahat ng ito sa isip ko nung nasa isang salon ako dito sa Saskatoon.Medyo kadao kasi ang nasa isip ko "magkano kaya babayran ko para sa buhok?" balak ko sanang magpakulay as in to the highest level (blond) pero laglagpanga ako sa presyo 200 dollars ang minimun so eto na naman ako go for the second best na mas mura higlights kasi naka 50% off sila nun.Suddenly I have thi thoughts na "kung mapera lng kmi o hinde issue ang pera saken I could always get the best of what I have plan for" kaya nangangarap akong magkaroon ng anda as in to the max not only yo get what I want but for a deeper purpose na may kinalaman sa pera.Sa aking kuro -kuro walang masama sa pera kung ikaw ang kumokontrol dito at hindfe ikaw ang piapaikot nito.Sige umiiyak na si Summer maglalaro muna kmi ng Superman :)