Thursday, 3 March 2011
Gustong Magmaganda pero walang Anda!
Apat na buwan na mula ng duamting ako dito sa Canada. Sa unang pagtapak ko sa luagr na ito ramdam ko kagad ang mala aircon na simoy ng hangin. Mula nuon nagaadjust nako sa panibagong buhay ko pero yung mentalidad ko hinde nagbago Pinoy pa din ako mula anit hangang kuko. Sa paanong paraan? halos lahat ng bagay dito ultimo pagkain ay big size.Nalala ko yung rice in a box dito 3x ang size ng rice in a box sa Pilipinas pero 3x din ang presyo kasi dolyar ang ibabayad mo.Nung una sa tuwing may bibilin ako kinakalkula ko sa peso lahat eh allergic ako sa mahal na bilihin kahit nuon pa dahil lumaki akong hinde kayaman.Mga gamit ko hinde branded at pabortio ko ang bayong kong bag na kahit ikaw pede kong isalaksak duon ng buo. Kapag may nagustuhan akong damit o bagay pagiipunan ko yun at pag may pera nako excited akong pupnta sa store para lang madisappoint dahil triple pala ang halaga nuon kesa sa inaakala kong presyo so ang gagawin ko bibili ako ng di ko naman plinanong bilhin para lang hugasan ang nasugatan kong pangarap.Ilang bese ding nangayre saken yun.Mula sa parlor ,gadget o damit ganun ang ginagawa ko pero kadalasan hinde din ako ganun kasaya parang repleksyon yun na hinde mo makuha ang isang bagay so baba ka one notch lower. Nagflash back lahat ng ito sa isip ko nung nasa isang salon ako dito sa Saskatoon.Medyo kadao kasi ang nasa isip ko "magkano kaya babayran ko para sa buhok?" balak ko sanang magpakulay as in to the highest level (blond) pero laglagpanga ako sa presyo 200 dollars ang minimun so eto na naman ako go for the second best na mas mura higlights kasi naka 50% off sila nun.Suddenly I have thi thoughts na "kung mapera lng kmi o hinde issue ang pera saken I could always get the best of what I have plan for" kaya nangangarap akong magkaroon ng anda as in to the max not only yo get what I want but for a deeper purpose na may kinalaman sa pera.Sa aking kuro -kuro walang masama sa pera kung ikaw ang kumokontrol dito at hindfe ikaw ang piapaikot nito.Sige umiiyak na si Summer maglalaro muna kmi ng Superman :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
HUWATS ON YOUR MIND?