1.( LAGI KANG MAY PAMBARA O OPINYON SA LAHAT NG SASABIHIN NG IYONG KAGRUPO, KAIBIGAN O KATRABAHO ETC.)
eto yung mga taong masasabi nating matalino o sadyang malakas ang personalidad na talaga namang opinionated laging may kontra kahit sa isang magandang ideya ng kasama kadalasan ay ipipilit ang kanyang opinion.Maaring para sa knila ay nakakapgbigay ito ng self-worth na hinde makapalag ang kausap dahil pinaulanan ka nya ng facts at sa tono ng pananalita nya ay tipong sigurado sya sa kanyang sinasabi.Minsan akala mo ay magaling ka at nakuha mo ang pansin ng mga taong nakapaligid sayo ngunit maaring hinde paghanga ang nararamdaman nila sayo kundi matiniding asar sa pagiging epal mo sa lahat ng bagay at hinde pagrespeto sa opinyon ng iba o maaring pagkapahiya ng binara mo.Kaya magingat at maging sensitibo kung nakakaapak ka na pala ng amor ng ibang tao.
2)( MAHILIG KANG MAKISABAT SA USAPANG NG DALAWANG TAO O ISANG GRUPO NA HINDI KA NAMAN KASALI O INVITED)
Ito yung mga taong hinde mo alam kung sang lupalop nanggaling at bigla nalang nakisabad sa usapan.Maaring inaakala ng taong ito na makakatulong sya sa pagtatanungan o kuro-kuro ng naguusap ngunit kadalasang eh pinagmumukha mo silang hangal dahil hinde nila kayang sagutin ang kanilang mga tanong kaya heto ka at sinusplayan mo sila ng sagot pero hinde ka naman nila tinatanong.Sa iyong sarili masay ka at nakatulong pero sa iniwan mong naguusap isa kang epal kasi hindi naman nila hinihingi ang opnyon mo na hinde naman nila hinihingi in the pers plays.Kung hinde ka makataiis na makisabat eh humingihi ka muna ng pahintulot sa naguusap at pagpianbinyan ka ayun ratratin mo sila ng facts atleast karesperespeto ka dahil nirespeto mo ang kanilang paguusap.
3) ( EPAL AS IN DA OBERACHIBER)
Yes ito nga ang ingles ng epal overachiever mga taong sobrang focus sa knailang goal na makilala eh parang kabayong natapaktapakan na ang ibang tao.Sila ang mag taong may matinding mantra sa kanilang pangarap na maabot ito like Rachel ng Glee.Rachel na nga ang tawag ko taong nageepal.Kung nanood ka ng Glee alam mo ang ibig kong sabihin.Dapat lagi kang bida at pag feeling mo may ibang nagnanais ng panagrap mo,gagawin mo ang lahat apra ikaw ang magwagi at wala kang pakialam sa iisipin o nararamdaman ng iba to the point na isabotahe mo ang pobre at ikaw na laging handa ang magsesave ng day.Kung ikaw ang taong to unang una kapatid it is true that "its lonely at the top" granted na sa kakaepal mo eh nakuha mo ang pinakamimithi mong goal pero pag tingin mo sa iyong paligid ay walang nakikiparty sayo walang natutuwa at walang bumabati.Ating isipin na hinde lang tayo ang pinakamahalagang tao sa mundo at meronng mga tao na nais din ang pangarap mo hinde lang ikaw ang deserving o matalino at lalong HINDI LANG IKAW ANG MAY ISIP AT BOSES. Kaya be sensitive kasi hinde mo alam kung puro patalim na ang likod sadami mong saksak dahil sa iyong pagmamaganda.
Walang masama sa pagnanais na maging lider o makilala ngunit dpat ay nasa tama.Paanong tama? respeto pare ang kasagutan.Matuto ka ring manahimik hinde lahat ng madaldal matalino at hinde lahat ng tahimik ay bobo kadalasan sila yung malalim dahil nagiisip. Gamitin ang kaeplan sa tamang pamamaraan dahil belib it or not nakakatulong din ang pagiging epal PAANO? ito ay sa panahon ng kagipitan at walang may lakas ng loob na tumayo at guamwa ng paraan duon gamitin ang kaepalan.Para saken magbebelly dancing muna ako habang natutulog ang chikiting ko :)
No comments:
Post a Comment
HUWATS ON YOUR MIND?