Tuesday, 5 April 2011

SOSYALERA NETWORK

Ikaw ba ay sosyal?lahat halos ng bagay na meron ka ay dapat branded?karumaldumal ang kumain sa fastfood at ew ew magshopeng sa Divisisoria(Paraiso ng pambabarat at  siksikang pamimili ) or  ikaw yung isang kalse ng sosyalera? tipong ikamamatay  mo ang hinde paglologin sa facebook, itweet ang pagkukutkot mo ng iyong ingrown at  ibroadcast ang kaliit-liitang detalye ng iyong araw na parang iyon na ang huli.Ikaw ba ay sobrang attach sa iyong phone na mas trip mo itong katabi sa pagtulog kesa sa kapatid mong nananadyak habang nanaginip minsan sa sobrang pagmamahal mo sa phone mo eh naiimagine mo itong nagriring to the tune of "My Way" kahit hinde naman tlga nagriring? Aba eh magpagamot ka na

As an individual we tend to have the desire to have a social connection on which ever form of interaction is existing *Nosebleed* syempre technology is fresh serve before you at kahit na mahiyain ka pa sa makahiya eh makakaututang dila mo ang iyong crush on the cyber space.Salamat sa FB at makakachismisan mo clasmate mo nung unang panahon ng iyong kabataan panahon na hindi mo pa alam ang kahulugan ng jodorant , makisilip sa FB page ng kinaiingitan, kinabwibwisitan, hinahangaan mong tao.Nanjan din ang pagbloblog ng lahat ng sama ng loob mo sa mundo.At anu nha ba ang nais mong maachieve sa buhay sa paggawa ng eksena o pagpapahayag ng iyong damdamin? hehe seryoso natanong mo na ba sa iyongsarili?


Well kanya kanya talaga tyo ng dahilan kung bkit( aware man o hinde) na nais nating makisimpatya ang mga FB friends mo sa iyong kasalukuyang sitwasyon. May mga taong nangongolekta ng FB prends na parang piso kilala man o hinde.Kung sampung libo ang prends mo sa FB sikat ka? kahit na na mabibilang mo lang sa daliri mo sa paang may kalyo ang mga kaibigan mo sa tunay na buhay.


                                    

Walang masama sa FB inpak madaming positibo sa pagkakaroon nito malaya kang ipahayag ang sarili wag lang sobra like super duper personal na bagay dahil sa kada post mo ng pictures bijo at status ay nagiiba ang pananaw sa iyo ng tao.simple lang ang rules pag ayaw mabastos wag magpost ng provocative na larawan.Hwag gawing diary ng buhay mo ang facebook tama na ang  isang Kris Aquino.At lastly wag makipagaway sa FB kasi mejo cheap tingnan lalot ikay may pinagaralan kung hinde ka ngaral eh umasa sa kagandahang asal na turo ni inay at itay.Kung wala silang itnuro sayo hinde ko na problema yun.hehe Oh san na you dito na me chat na tyo sa FB :)

No comments:

Post a Comment

HUWATS ON YOUR MIND?