Tuesday, 13 September 2011

TECHNOLOGY STORY

Sa wakas at makakapagblog na muli ang lola mo! matagal din akong di nakapagblog dahil una nalimutan ko ang password ko at oo sarili kong password hindi ko mahulaan dala ng katangahan o sadyang malilimutin lang ako.Anyway minsan inggitera ako sa mga taong magaling sa technology.Alam ko ang pinagugatan ng pagiging mahina ko dito.Hindi ako mahihiyang sabihin na natutunan kong  gumamit ng computer college nako.Ewwww alam ko.Wala kasi kaming pambili ng computer mas lalong walang budget para sa internet.Mabalik tayo sa aking college life.May dapat kaming iresearch ng kakalse ko nahihiya akong sabihin sa kanya na di ako marunong magcomputer ultimo magcopy paste. Nakahinga ako ng maluwag kasi hinde naman nya ako pinagtawanan kundi ihuhulog ko sa sa hagdan joke. It was very liberating sa isip isip ko nung una akong nakakita ng advertisment sa google "cool parang tv pala toh".

Mula nuon mga 10 beses kong dapat itrain sarili kong magcopy paste at magprint.Kaya hanggang ngayon may sapak pa din ako madali akong maiirita pag hinde ko nanavigate ng maayos ang computer. Kaya din siguro hinde ako addict sa internet.Hindi ko ikakamatay kung hinde ako makapagfb pero mananakal ako pag hinde ako nakapagalmusal.Syempre sabi nga nila kung gusto mo ipromote ang skills mo dapat maginternet ka magblog ka, youtube, twitter at kung anu anu pa.So mahilig kasi ako magshare ng kung anik anik sa buhay kahit wala ka namang pakelam likas sa akin ang mag magepal.Nakailang blog na ata ang crineate ko na lahat nalimutan  ang password o lagi kong nalilimutang magupdate.So ang solusyon eh simplehan ko nalang mga 3 site na iaaupdate para hinde ko maipressure ang sarili ko. Siguro kahit moderno akong magisip yung ibang approach ko sa mga bagay bagay ay tradisyunal pa din tulad ng KOBO e-reader para kang may dalang library pero wala yung bigat ng libro.Pero saken gusto yung feel ng hawak ko yung libro masarap amuyin yung scent ng bago at lumang libro.Kung kaibigan kita at itatanung mo yung bag ko.Oo malaki pa din yung bag ko dala ko yung ugaling yun hanggang dito sa Canada. Sabi nga sa lahat ng bagay mas mainam na yung simple.Para relax lang.Huwag ipilit yung hinde kaya isa isa lang.At yan natutunan ko ngayon dahil sa kahinanaan ko sa teknolohiya pinilit ko makisabay sa takbo ng bagay bagay sa mundo tulad nito kaya ayun nastress ang lola mo pero ok nako ngayon. Ok tanging ina mode muna ako.

Wednesday, 25 May 2011

Mukhang Imposible pero Posible!

Bata pa ako madalas akong managinip ng mga kung ano-ano.Naiisip ko dapat mga napapanaginipan ko laruan o pagkain o Disneyland na dream kong puntahan nung bata pako na sa T.V ko lang nakikita.Pero iba ang mga panaginip ko parang telenovela na serye sa buhay ko ang napapanaginipan ko pero yung edad ko sa panahinip ko mejo matanda nako yung edad ko ngyon tapos napanaginipan ko yun mga 6 na taon palang ako. Hindi ako si Madam Auring at wala akong balak palitan sya pero yung tinatawag na DEJAVU eh parang tambay lang sa kanto nakadikit sa mga dreams ko. Napanaginipan ko yung naghiwalay mga magulang ko,mga taong nakilala ko kahit hinde ko pa sila nameet eh kilala ko na sila sa isang serye ng panaginip ko.Nakakatawa pero napanaginipan ko nuon si Oprah Winfrey na nagmeet kmi.Hindi ko sya kilala o yung status nya.Bata pako nung napanaginipan ko yun.Malala ko lang na "uy alam ko tong moment na toh ah" then malal ko nakita ko ito sa panaginip ko.Yun lang wala ako sa posisyon para maiwasan ang kung anung mang mangyayare saken.

Gustong gusto ko pumunta ng Baguio kasi malamig duon at malinis ang simoy ng hangin.Feel kong magala Anne of Green Gables at mamitas ng mga strawberries habang kumakanta kanta. Wala akong matandaang outing naming pamilya kasi kailngan magtrabho araw araw ng Daddy ko kundi papalya kmi sa pagkain.So luxury ang mamasyal kaya sabi ko sa sarili ko. KAPAG NAKARATING AKO NG BAGUIO MAKAKARATING AKO KAHIT SAAN. And boom! nakarating ako ng Baguio ng libre! and nakarating ulet ako dun for the second time.After nga nuon nakrating nako sa ibat ibang lugar.Hanggang sa ibang lupa.Thailand, Cambodia at Canada. Ayoko mamatay ng mahirap at walang nararating sa buhay.At mejo may balak din akong baguhin ang mundong ginagalawan ko chos! pero alam ko lahat ng ito ay galing kay Lord kay Jesus Christ. Totoo yung mga panagko nya.Simula palang ng nasa tyan ako ng nanay ko alam nya na kung anung dapat mangayra sa buhay ko.At may maganda din syang plano sa buhay mo.Oo alam ko yung sasabihin mo masyado kang makasalanan.Lahat tyo mahal nya kahit yung tsismosang kapitbahy nyo na gusto mo ng ilibing ng buhay pero ititira mong hinde nakabaon yung dila nya. Sya yung dahila ko kung bakit ako nabubuhay at nananiniwala ako na sya nagmamando sa buhay ko. May isang kilalang reporter ang nagpray para saken at sabi nya pupunta ako sa maraming lugar.Dont get me wrong iba si Madam Auring at iba yung prophetic words.Kapag ang pangyayare ay ayon sa bible then lahat yun totoo.Kaya ikaw kung nangangarap ka mangarap ng mataas then give it to the Lord.Walang impossible.




                                                     

Monday, 9 May 2011

Museyk and Food Memories!( Makirelate at makiemote)

Papunta kami sa isang business trip ng aking esposo sa hinde naman kalayuang restawran ng biglang pinatugtug sa sasakyan ang kantang "Collide" at syempre naginarte at bigla kong nalala kung san ko inrerelate ang sarili ko sa kantang yun.Wag kang usi at hinde ko na ieelaborate pa kung anu yun hehe.Anyway tayong mga Pinoy mahilig sa music dahil na sa aking palagay ay sumasalamin ito sa ating karakter, sitwasyon, nawawamdaman at kung anu anu pa. Wala na ata akong alam na sitwasyon sa nuhay na hinde nabanngit sa isang kanta.Kapag naghuntahan ang magkakaibigan babae at narinig ang teamsong ng isa sa knila na kabebreak lang ayun magwawala ngangalngal hihimatayin bubula ang bibig habang sinasabing "ibahin nyo ang museykkkk" or kapag may crush ka at may lihim kang kanata na dinededicate sa kanya at nataon narining mo iyon kung san ka man naroon eh mamimilipit sa kilig tapos sa isip mo nagkatuluyan na kayo parang pelikula yung backgground museyk eh yung kanta mo sa kanya.


                          

Ako dalwang bagay ang nagpapaalala saken ng aking mga nakaraan...Yes arte! Museyk at pagkain.Oo kung magsalita ako parang ang juba-juba ko.Mahilig kasi akong kumain at para akong pusa ang magpapalala saken sa isang tao ay kung nagluto sya ng masarap na pagkain,pagnakakita ko ng for example chocolate cake sya yung maiisip ko.Pagpinagluto mo ako ng masarap hinde kita makakalimutan! Nung isang beses nagpirito ako ng talong at may sawsawang suka. Habang kinakain ko yun.Iniisip ko yung Daddy ko na namayapa na.Ganun yung gusto nyang kainin sa umaga.So ninamnam ko yung simpleng almusal at nalala ko lahat yung nakatira pako sa bahay namen kasama Daddy at mga kapatid ko.Yung Sunday mornings namen.Nakakamiss.


             
Mahilig ako sa musika.Natuto akong bumasa sa kabibijoke ng Daddy ko habang nagiinuman sila ng mga kaibigan nya.Syempre may bayad ang serbisyo ko so binibigyan nila akong 10 piso kada 2 kanta! Bigtime!
usually mga lumang kanta nung 90's at panahon ni Frank Sinatra yung nalala ko dahilsa Daddy ko. Ikaw anung nalala mo sa partikular na kanta na pinapatugtog sa inyo? Uyyyyy aminin.Tara bijoke tayo!libre mo!

Tuesday, 19 April 2011

The Happiness Meter

If you will ask an individual what would make them happy a big part will be money, status and Physical appearance.Since we can have all of these often time we dont have them all it cause us to hate who we are and then it leads to misery that leads to so many negative path.Money cant buy you happiness... well part true part false... But what are the things that could make us happy?aside from money of course.Here are the following:

1) Shut up!- give a moment of silence.Do you realize when you talk to much it could be a hazard for yourself?how?I will tell how. You tend to say things that you dont even meant especially if your too emotional.When you are ask to give an opinion about somebody that for example your officemate hates a co- worker you dont have to say something negative to make that person feel good.Sometimes you need to slow down nobody likes a can that when it moves gives an irritating sound.

2) Appreciate! even just small things like eating an ice cream playing with your dog,baking cookie or reading books. Sometimes its sad that there are people who would only appreciate what they have when they are ill or dying.(when you in the grave already theres not much to appreciate there.You wouldn't even like the worms eating your flesh six feet under) 

3) Experience- If you've been thinking to do something for quite sometime now do it(well unless you feel like you wanna kill you neighbor who doesn't know what quiet means please think twice) I learned that people think that money could make us happy when in fact its experience is what could make us happy something priceless a memory that you can relive over and over again telling your kids or grandkids about it.With money you could buy a car or ipad or jewelry but the satisfaction doesn't last long I know somehow you could relate to this feeling because I do.) You want something soooo bad but when you got it you will be happy but before you know it.You wouldn't even notice its missing because you already satisfy the urge of owning.

4) Contentment! When you know how to be contented most likely your happy.Why?I will tell you why. Because the Want is endless.Sometimes we tend to believe that our Want is Our Need. As long as you have food, clothing and shelter your fine. Those stuff that you desire is just an added bonus to your life. If your not contented with what you have your prone to envy and when envy is strong you might do not so nice things to get what you want.Its applicable in almost anything even in a lover. 



                                                


                                            
                 
Happiness is a state of mind no matter what kind of situation your in.Some people have lots but not happy some people barely have any but still happy.So its your choice.


                        


                                
         



Tuesday, 5 April 2011

SOSYALERA NETWORK

Ikaw ba ay sosyal?lahat halos ng bagay na meron ka ay dapat branded?karumaldumal ang kumain sa fastfood at ew ew magshopeng sa Divisisoria(Paraiso ng pambabarat at  siksikang pamimili ) or  ikaw yung isang kalse ng sosyalera? tipong ikamamatay  mo ang hinde paglologin sa facebook, itweet ang pagkukutkot mo ng iyong ingrown at  ibroadcast ang kaliit-liitang detalye ng iyong araw na parang iyon na ang huli.Ikaw ba ay sobrang attach sa iyong phone na mas trip mo itong katabi sa pagtulog kesa sa kapatid mong nananadyak habang nanaginip minsan sa sobrang pagmamahal mo sa phone mo eh naiimagine mo itong nagriring to the tune of "My Way" kahit hinde naman tlga nagriring? Aba eh magpagamot ka na

As an individual we tend to have the desire to have a social connection on which ever form of interaction is existing *Nosebleed* syempre technology is fresh serve before you at kahit na mahiyain ka pa sa makahiya eh makakaututang dila mo ang iyong crush on the cyber space.Salamat sa FB at makakachismisan mo clasmate mo nung unang panahon ng iyong kabataan panahon na hindi mo pa alam ang kahulugan ng jodorant , makisilip sa FB page ng kinaiingitan, kinabwibwisitan, hinahangaan mong tao.Nanjan din ang pagbloblog ng lahat ng sama ng loob mo sa mundo.At anu nha ba ang nais mong maachieve sa buhay sa paggawa ng eksena o pagpapahayag ng iyong damdamin? hehe seryoso natanong mo na ba sa iyongsarili?


Well kanya kanya talaga tyo ng dahilan kung bkit( aware man o hinde) na nais nating makisimpatya ang mga FB friends mo sa iyong kasalukuyang sitwasyon. May mga taong nangongolekta ng FB prends na parang piso kilala man o hinde.Kung sampung libo ang prends mo sa FB sikat ka? kahit na na mabibilang mo lang sa daliri mo sa paang may kalyo ang mga kaibigan mo sa tunay na buhay.


                                    

Walang masama sa FB inpak madaming positibo sa pagkakaroon nito malaya kang ipahayag ang sarili wag lang sobra like super duper personal na bagay dahil sa kada post mo ng pictures bijo at status ay nagiiba ang pananaw sa iyo ng tao.simple lang ang rules pag ayaw mabastos wag magpost ng provocative na larawan.Hwag gawing diary ng buhay mo ang facebook tama na ang  isang Kris Aquino.At lastly wag makipagaway sa FB kasi mejo cheap tingnan lalot ikay may pinagaralan kung hinde ka ngaral eh umasa sa kagandahang asal na turo ni inay at itay.Kung wala silang itnuro sayo hinde ko na problema yun.hehe Oh san na you dito na me chat na tyo sa FB :)

Monday, 28 March 2011

Kanajan Life Da Kanajan way!( What's life like in Canada)

Canada is located in North America where its closer to the north pole that's why its much colder than U.S.A.At ako'y nagmagandang magbigay ng facts hehe.Anyway I used the word Kanajan because that's how my Dad pronounce it ( I  miss you Dad watch over us from heaven) and it reminds me of him. Kung anung init ng Pinas ay sya namang lamig ng Canada.Mailalarawan ko ito sa klima ng inyoing refrigirator.Kapag winter ang klima ay freezer.Naalala ko noon gustong gusto kong magwinter sa Pinas dahil bwisit na bwisit ako sa init ng araw.Fresh na fresh kang aalis ng bahay papuntang opisina at pagdating mo sa iyong desk amoy tinapa ka na. Pero narealize ko na hinde ko alam kung anung winiwish ko.Dahil pagpinagbigyan ako ni Lord at nagwinter sa Pinas baka kalahati ng populasyon naten ay matitigbak.Natapos na din ang matagal kong pagmumuni muni bakit trip na trip ng mga puti magpaaraw at magbakasyon sa mainit na bansa.Pinakauna kong culture shock eh halos lahat ng bagay dito ay biggie as in! lalo na ang pagkain kahit prutas at gulay ay malalaki din.

                              

 Until now nagaadjust pa din ako sa buhay dito.Hindi ka makarampage kung san saan kung hinde ka marunong magdrive.Ang tanging pampasaherong sasakyan lang dito ay bus.Take note may time limit ang bus dito at hinde ka iintayin ng bus pagmalas malas ka pa at naiwan ka ng bus eh magaantay ka ulit ng 15 minutes eh panu  kung winter eh good luck sayo. Ang nakakaloka satin sa Pinas pagumulan o signal number one typhoon yung karamihan wala ng pasok sa Metro Manila.Dito Kahit  wala ka halos makita dahil sa kapal ng snow keribels lang.Kayod pa din! Kung napakahospitabble nating mga Pinoy which I am very proud of super galang naman ng mga Candian ikaw na yung nakatapak sa paa nya sya pa magsosorry. Halos sa lahat ng bagay nagsosorry sila.Kapag  nagkasalubong kayo habang tulak ang pushcart sa supermarket magalang silang magsosorry kaloka diba.Ang mga tao ay disiplinado nagliligpit ng pinagkainan sa foodcourt or sa fastfood restaurant at ang da bestw ay to strike a conversation with them magcomplain ka about sa weather. Malinis ang paligid at walang kang makikitang pakalat kalat na pusa o aso na anytime eh masasagasaan sa daan.Wala ding squaters area.Naisip ko nga ang lawak ng Canada at kung ililipat ang kalahati ng populasyon ng Pinas eh kasya ng lahat sobra pa.Merong child care benefit na may matatanggap kang moola from the government  at libre ang healthcare wala kang babayran sa ospital pero bawing bawi sa dental mataas ang cost of living dito pinakamahal ang magkaroon ng bahay at 2 ang tax nila gst at pst.Government tax at Provincial Tax. Pero all in all maganda ang buhay dito.Karamihan ng nasa bansang ito ay pangarap ko para sa Pinas.And I still hope na mangyayare iyon.


    


Friday, 18 March 2011

SANA AKO NALANG SI ______(MGA KWENTONG PURO SANA)

Impokrita /Impokrito ang sino mang magsasabi na kung bibigyan sila ng chance na makipagpalit ng katauhan o sitwasyon sa ibang tao ay sasabihin nila na kuntento at perfect ang knilang estado sa buhay at wala silang gustong palitan..For sure meron kang kakilala na lihim mong hinahangaan o kinabwibwisitan dahil nasa kanya ang ilang mga nais mo sa buhay.Tulad ng pagiging mayaman, matangkad ,maganda ,seksi , pagiging babae,lalake,pagiging popular at kung anu pang anik anik sa buhay na wala sayo na meron sa iba. Minsan sa iyong pagmumuni muni eh nasasabi mo sa iyong sarili na bakit ba hinde nalang ako naging sya?o bakita wala ako ng bagay na wala sya habang ipaiikot ikot mo sa iyong daliri ang iyong buho na parang si Sisa.

                                          

Sa katitingin naten sa bagay na meron sa iba eh we feel so low low low na parang wala ng kagandahan o magandang katangiang nasa iyo ang aprati mo nalng napapansin eh yung mga flaws mo katulad ng ng pimples mong first year highschool ka palang eh nandun na till now na nakapagasawa ka na eh nakatambay pa din sa ilong mo.Tulad mo nararanasan ko din yan madalas akong magbugtong hininga habang nangangrap ng aking mga panagrap sa buhay, bukod sa maging donya eh nais kong maging THE ULTIMATE ARTIST. So anu yun?nais kong maging makeup artist at maging ULTIMATE PERFORMER.Saka ko naieexplain kung anu yun. May mga tao akong hinahangaan dahil sa kanilang guts and focus na habulin ang kanilang mga pangarap.Minsan gusto ko ding maging sila.Pero naisip ko I need to make myself important to me and find what is the best that I could give in this world..chos! Pero but seriously I believe God made us who we are in exact situation in the exact destiny we are in to fulfill our mission in this world. Kaya hayaan mo na kahit nasa kanya ang gusto mo malamang nasa iba din ang gusto nya kanya kanyang pagtanggap lang yan sa kakulangan mo bilang tao.