Tuesday, 13 September 2011

TECHNOLOGY STORY

Sa wakas at makakapagblog na muli ang lola mo! matagal din akong di nakapagblog dahil una nalimutan ko ang password ko at oo sarili kong password hindi ko mahulaan dala ng katangahan o sadyang malilimutin lang ako.Anyway minsan inggitera ako sa mga taong magaling sa technology.Alam ko ang pinagugatan ng pagiging mahina ko dito.Hindi ako mahihiyang sabihin na natutunan kong  gumamit ng computer college nako.Ewwww alam ko.Wala kasi kaming pambili ng computer mas lalong walang budget para sa internet.Mabalik tayo sa aking college life.May dapat kaming iresearch ng kakalse ko nahihiya akong sabihin sa kanya na di ako marunong magcomputer ultimo magcopy paste. Nakahinga ako ng maluwag kasi hinde naman nya ako pinagtawanan kundi ihuhulog ko sa sa hagdan joke. It was very liberating sa isip isip ko nung una akong nakakita ng advertisment sa google "cool parang tv pala toh".

Mula nuon mga 10 beses kong dapat itrain sarili kong magcopy paste at magprint.Kaya hanggang ngayon may sapak pa din ako madali akong maiirita pag hinde ko nanavigate ng maayos ang computer. Kaya din siguro hinde ako addict sa internet.Hindi ko ikakamatay kung hinde ako makapagfb pero mananakal ako pag hinde ako nakapagalmusal.Syempre sabi nga nila kung gusto mo ipromote ang skills mo dapat maginternet ka magblog ka, youtube, twitter at kung anu anu pa.So mahilig kasi ako magshare ng kung anik anik sa buhay kahit wala ka namang pakelam likas sa akin ang mag magepal.Nakailang blog na ata ang crineate ko na lahat nalimutan  ang password o lagi kong nalilimutang magupdate.So ang solusyon eh simplehan ko nalang mga 3 site na iaaupdate para hinde ko maipressure ang sarili ko. Siguro kahit moderno akong magisip yung ibang approach ko sa mga bagay bagay ay tradisyunal pa din tulad ng KOBO e-reader para kang may dalang library pero wala yung bigat ng libro.Pero saken gusto yung feel ng hawak ko yung libro masarap amuyin yung scent ng bago at lumang libro.Kung kaibigan kita at itatanung mo yung bag ko.Oo malaki pa din yung bag ko dala ko yung ugaling yun hanggang dito sa Canada. Sabi nga sa lahat ng bagay mas mainam na yung simple.Para relax lang.Huwag ipilit yung hinde kaya isa isa lang.At yan natutunan ko ngayon dahil sa kahinanaan ko sa teknolohiya pinilit ko makisabay sa takbo ng bagay bagay sa mundo tulad nito kaya ayun nastress ang lola mo pero ok nako ngayon. Ok tanging ina mode muna ako.